6

Oct 18, 2020 @ 16:19
By

Pagbebenta ng asset ng gobyerno ‘di pa ngayon

Tiniyak ni Budget Secretary Wendel Avisado na may sapat na pondo ang gobyerno para maipagpatuloy ang mga programa nito hinggil sa COVID-19 pandemic.

Aniya pa ngayong Linggo, posible mang magbenta ng mga property ang gobyerno ay hindi pa ito mangyayari sa ngayon.

“Posible, pero malayo sa ngayon dahil meron naman tayong pagkukunan at unprecedented nga ‘yung ating dollar reserves, talagang lumaki masyado,” sambit ni Avisado sa dzBB, Oktubre 18.

“So wala tayong kaba at hindi na tayo, at this point, kailangan magbenta ng properties,” aniya pa.

Noong Abril, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikokonsidera niyang ibenta ang assets ng gobyerno sakaling maubos ang pondo para sa coronavirus response.

Joke lang daw ‘yon ng Pangulo , sabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.

Hulyo naman nang sambitin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ibebenta ang mga government asset pambili ng anti-COVID-19 vaccine. Tapos noong nakaraang buwan, sinabi ni Roque na ibebenta ng Pilipinas ang ilang property nito sa Japan kung kailangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?