43

By

Pagbawi sa fuel tax hike suspension, titimbangin pa ni Duterte

Nasa pagpapasya na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung aaprubahan o hindi ang rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na bawiin ang planong pagsuspinde sa excise tax sa langis sa susunod na taon dahil bumababa na ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakatakdang talakayin sa Cabinet meeting sa darating na Martes ang rekomendasyon ng DBCC .

Kinakailangan din aniyang ikonsidera ang sentimyento ng consumers sa mungkahing bawiin ang naunang plano na pagsuspinde sa excise tax sa langis at hindi lamang sa economic perspective nito.

Sinabi ni Panelo na titimbangin ni Pangulong Duterte ang magkabilang panig alinsunod sa nakasaad sa TRAIN Law.

Pinayuhan ng kalihim ang publiko na hintayin ang desisyon ng Presidente dahil tiyak na ibabase niya ito sa interes ng bansa at sa pakinabang ng sambayanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?