298

Apr 19, 2021 @ 21:51
By

Pagbawi ng suporta kay Duterte hindi totoo – retired military

Kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang nagsulputang mga Viber group kung saan kabilang sa miyembro ay mga retirado at aktibong opisyal ng militar na pinag-uusapan ay ang tungkol sa politika.

“There is a Viber group of retired officers who talk about politics. There are about 400 members,” pahayag ni Esperon sa CNN Philippines ngayong Lunes.

Hindi binanggit ni Esperon kung ang naturang chat group ang sinasabi sa mga social media post na nagde-demand sa gobyerno na batikusin ang pananakop ng China sa West Philippine Sea.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade na isa rin siya sa miyembro ng Viber group.

Ilan daw sa Viber group ang nagkokomento tungkol sa kawalang aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, pagmumura, pagiging pro-China at paglalagay ng mga komunista sa gabinete at iba pa.

Pero ayon sa dalawang military source ng CNN Philippines, hindi napag-uusapan sa Viber group ang pagbawi ng suporta ng militar sa administrasyong Duterte.

“That is fake news meant to initiate, agitate, arouse, organize, and mobilize the public,” saad ng retiradong opisyal.

“I know of some discussions what is happening (in the West Philippine Sea) but more on how to address the issue from kinetic to non-kinetic actions. But nothing on making demands,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?