72

Dec 23, 2019 @ 15:53
By

Pagbawas ng Angkas riders, isang ‘extortion’ – Biazon

Tila isang “extortion” ang nangyaring pagtatapyas sa bilang ng mga Angkas rider na ang makikinabang ay mga bagong provider sa motorcycle ride-hailing operations.

Reaksyon ito ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon sa ginawang pagdepensa ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Technical Division chief Joel Bolano sa desisyong limitahan ang mga Angkas motorcycle rider.

Ani Bolano, ang mga natanggal na rider ay maaari naman umanong mag-apply sa ibang ride-hailing firm.

Kuwestiyon ni Biazon, bakit kailangang tapyasin ang mga existing rider sa kasalukuyan nang tumatakbong Angkas at piliting sumama sa mga bagong player.

“This appears to be a shakedown for the benefit of new entrants. Slash the existing riders of the existing to force them to join the new entrants,” tweet ng mambabatas noong Dec 22 .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?