330

By

Pagbawal sa mga dayuhang sumali sa rally, galing kay De Lima – Duterte

Sharing is caring!

Ipinamukha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritiko at sa oposisyon na hindi sa kanya nagmula ang direktiba na nagbabawal sa mga dayuhang sumali sa kilos-protesta para hindi maharap sa deportasyon.

Ayon sa Pangulo, ang “kaibigan” niyang nakakulong ang gumawa ng order at pirmado pa nito kaya huwag siya ang sisihin sa pagpapa-deport sa Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Ayon sa Pangulo, hindi niya binawi ang order ni Senadora Leila de Lima noong kalihim pa ito ng Department of Justice dahil alam niyang balang araw ay magagamit ito.

“Kaya nu’ng kuwestiyon-kuwestiyon ‘yung kabila mga partido. Sabi ko, hoy halika. Executive order, o ‘yung mga turista must behave hindi mag-participate ng mga ano. Hindi kailangan lumabas sila, i-deport. Pirmado, De Lima.
“Hindi ko ni-revoke ‘yan. Hayaan mo diyan. Balang araw magamit natin. Kita mo ang g*** tahimik,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na hahayaan niyang manatili ang order ni De Lima para hindi magturo at manisi ang mga kontra sa gobyerno.

“That is the irony of life. Kung kayong gumawa okay lang. Kung kami ngayon masama. Kaya nasilip ko sabi ko huwag ninyong — I will not revoke that order. It stands there,” dagdag pa ng Pangulo.

Umani kaagad ng banat at puna mula sa oposisyon ang pagpapa-deport kay Sister Fox na anila ay hindi tama dahil wala naman umanong ginagawang masama ang Australian missionary sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?