162

Dec 27, 2018 @ 13:03

Pagbawal ng baril sa mga sibilyan, bawas krimen – Lacson

Tinitiyak ni Senador Panfilo Lacson na mababawasan ang mga krimen na ginagamitan ng baril kapag sinunod ng Philippine National Police (PNP) ang kaniyang mungkahi na huwag na itong mag-isyu ng permit to carry firearms outside of residence (PTCFOR) sa hindi naman kasapi ng anumang law enforcement agency.

Ayon kay Lacson, kapag alam ng publiko na mga pulis at law enforcer lang na nasa official duty ang may baril, agad na ipagpapalagay na may masamang balak at maipaaaresto ang mga nakasibilyan na may bitbit na armas.

“We have to change the mindset of the public as regards their attitude towards persons brandishing guns in public places,” sabi ni Lacson, dating pinuno ng Philippine National Police (PNP).

“Thus, any person seen with a firearm will be presumed to have criminal intent and therefore should be apprehended on the spot or reported to the authorities at first opportunity, instead of presuming that that person is a policeman in civvies or a person clothed with PTCFOR. I am sure, crimes committed with the use of guns will be greatly minimized,” dagdag nito.

Una na itong tinutulan ng mga grupong nagsasabi na kailangan nila ang baril para protektahan ang kanilang sarili at pamilya mula sa masasamang loob.

Pero ayon kay Lacson, tungkulin ng PNP ang pagbibigay ng proteksyon sa publiko. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?