80

By

Pagbasura sa rape case vs Vhong Navarro, pinagtibay ng DOJ

Sharing is caring!

Pinagtibay ng Department of Justice (DOJ) ang nauna nitong resolusyon na ibasura ang kasong rape na inihain ng modelong si Deniece Cornejo laban sa actor TV host na si Vhong Navarro.

Sa 20 pahinang resolusyon ng DOJ, hindi pinagbigyan ng kagawaran ang petition for review na inihain ni Cornejo na humihiling na baligtarin ang naunang resolusyon ng DOJ noong September 6, 2017 na nagbabasura sa reklamong rape at attempted rape na kanyang inihain laban kay Navarro.

Sa reklamo ni Cornejo, nangyari ang kanyang ipinaparatang na krimen noong January 17 at 22, 2014 sa condominium unit ni Cornejo sa Taguig City.

Hindi nakumbinsi ang DOJ sa paliwanag ni Cornejo kaugnay sa mga inconsistency o hindi magkakatugmang detalye na kanyang inilahad sa kanyang tatlong affidavit.

Hindi binigyan ng DOJ ng bigat ang argumento ni Cornejo na siya ay nalito at traumatized nang kanyang pirmahan ang unang complaint affidavit na inihanda ng kanyang abugado.

Ito umano ay maituturing na sorry excuse o hindi makatwiran dahilan.

Para sa DOJ, malabong makaligtaan ni Cornejo at ng kanyang abugado ang napakahalagang insidente ng diumanoy nangyaring panggagahasa noong January 17, 2014 sa paghahanda ng kanyang unang complaint’affidavit.

Mas lalo lamang umanon napagdudahan ang kredibilidad ni Cornejo nang dahil sa kanyang paliwanag.

Tinukoy pa ng DOJ na walang sapat na ebidensya para kasuhan ng rape at atempted rape si Navarro.

Hindi rin binigyan ng DOJ ng bigat ang mga bagong ebidensya na iprisinta ni Cornejo, kabilang na rito ang rekord ng dalawang naunang reklamo ng panggagahasa na inihain ng dalawang iba pang babae dahil ito raw ay lalabag sa prinsipyo ng presumption of innonence.

Kaugnay naman ng date rape drug na ayon kay Cornejo ay inihalo ni Navarro sa kanyang inumin, tinukoy ng DOJ na wala namang patunay na nakumpiska ang nasabing droga ula kay Navarro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?