168
Pagbasura sa qualified theft laban kay Nicko, binira ng mga abogado ni Kris
Feb 22, 2019 @ 19:40
By

Pagbasura sa qualified theft laban kay Nicko, binira ng mga abogado ni Kris

Malinaw umano na pag-aari ng kumpanya ni Kris Aquino na Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) ang credit card na ginamit ni Nicko Falcis.

Ayon sa pahayag ng law firm Fortun Narvasa & Salazar, sinabi ng mga abogado ni Kris na inilagay lang ang pangalan ni Falcis sa credit card para maipakita na awtorisado itong gamitin ito pero hindi para sa personal niyang transaksiyon.

Iginiit din ng mga abogado na inamin naman ni Nicko ang mali niya sa paggamit ng credit card at binayaran pa nga umano ang iba nito ng kanyang tseke.

Kanina (Pebrero 22) ibinasura ng Makati Prosecutor’s Office ang qualified theft na isinampa ni Kris laban kay Falcis dahil umano sa kawalan ng sapat na ebidensiya na nagnakaw ang huli.

“Falcis’ use of the KCAP card for his personal expenditures would not make him liable for theft. He is only liable to BDO for the card transactions that he made using the card,” saad sa resolusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?