By

Pagbasura ng peace talks vs NPA, OK sa AFP

Sharing is caring!

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pormal nang wakasan ang usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippine-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla, tama lamang ang desisyon ng Pangulo dahil batay sa kanilang monitoring mas dumami pa ang illegal activities ng NPA nationwide.

Sa datos ng AFP mula Enero 2017 hanggang ngayong buwan, umaabot sa 353 ang NPA initiated violent activities ng mga rebelde.

Dahil dito, napatay ang 64 sundalo, pulis at CAFGU, 70 sibilyan din ang napatay kasama ang apat na buwang gulang na sanggol sa Bukidnon at 13 sibilyan ang sugatan.

Tumaas din ng dalawang libong porsiyento ang halaga na nalugi sa mga business establisments at mining companies sa eastern mindanao at western mindanao dahil sa panununog ng mga rebelde.

Sa kasalukuyan. mas paiigtingin ng militar ang kanilang military operation laban sa CPP-NPA-NDF.

Sa kabila naman na nalulungkot ang militar sa hakbang na ito lalo’t kapwa Pilipino ang kanilang nakakalaban, suportado pa rin nila ang desisyon ng Pangulo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?