32

By

Pagbasura ng deportation order, paninindigan ni Sister Fox sa DOJ

Hindi pa natatanggap ng kampo ni Sister Patricia Fox ang kopya ng resolusyon ng Bureau of Immigration (BI) na nagbabasura sa kanyang apela na humihirit na mapalawig ang kanyang missionary visa.

Pero sa isang statement, tinukoy ng mga abugado ng Australyanong madre na nakatakda silang magsumite ng tugon sa kumento ng BI kaugnay ng kanyang petition for review sa Department of Justice (DOJ).

May kinalaman ang petisyon sa kanyang hiling na baligtarin ang deportation order ng BI laban sa kanya.

Umaasa si Sister Pat na dedesisyunan ng DOJ ang merito ng mga isyu na kanilang inilahad sa petiton for review, partikular na ang karapatan ng mga dayuhan na freedom of expression at assembly.

“Sr. Pat maintains her position that her standing in solidarity with the poor and oppressed in the Philippines, for almost three decades now, is an essential element of her mission as a Church worker and more importantly, a valid exercise of her right to freedom of expression and assembly,” ang nakasaad sa statement ng kampo ni Sister Pat.

Nauna nang nagdesisyon ang BI na ipa-deport si Sister Pat kasunod ng paglabag umano nito sa probisyon ng iginawad na missionary visa matapos siyang dumalo sa ilang political rally, na mahigpit na ipinagbabawal ng batas sa mga bumibisitang dayuhan sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?