28
aegis-juris-2
By

Pagbasa ng sakdal sa Aegis Juris members, ipinagpaliban

Sharing is caring!

Hindi natuloy ang arraignment sa 10 na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na kinasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law dahil sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III.

Alas-8:30 ng umaga kanina nang dumating ang 10 na miyembro ng Aegis Juris sa Manila RTC Branch 20 para sa gagawing pagbasa ng sakdal sa kanila.

Guwardiyado ang mga ito ng National Bureau of Investigation kung saan sila nakakulong.

Gayunman, nagpasya ang korte na ipagpaliban ang arraignment sa Hulyo 24, 2019.

Ito’y matapos pormal na ilahad ng mga abogado ng mga akusado na dalawa sa kanila ay naghain ng petition for review sa Department of Justice.

Sa pamamagitan ng petition for review ay hinihiling ng mga akusado na mabaligtad ang finding of probable cause laban sa kanila ng National Prosecution Service.

Kasama sa mga dapat sana ay babasahan ng sakdal sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr., Arvin Balag, Ralph Trangia, Axel Munro Hipe, Oliver Onofre, Joshua Macabali at Hans Matthew Rodrigo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?