48

Pagbasa ng sakdal kay Pichay, itinakda sa Mayo 8

Sharing is caring!

Inilipat sa ibang petsa ang arraignment sana ni Surigao del Sur Representative Prospero Pichay ngayong Miyerkoles na may kaugnayan sa hinihinalang maanomalyang bank deal dahil sa kawalan ng quorum sa Sandiganbayan.

Tanging si Fourth Division chairperson Associate Justice Alex Quiroz lang ang present nang inanunsiyo ang pagpapaliban sa pagbasa ng sakdal, na itinakda na lang sa Mayo 8.

Nahaharap si Pichay sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa Manual of Regulation for Banks in relation to the New Central Bank Act sa Sandiganbayan.

Nag-ugat ang kaso sa pagbili ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ng ESBI, isang local thrift bank na nakabase sa Laguna.

Ayon sa Ombudsman, ang LWUA Board na pinamunuan ni Pichay ay nagpasa ng resolusyon noong Marso 24, 2009 na nag-apruba sa pagbili ng ESBI nang walang requisite regulatory approvals mula sa Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Finance, at Office of the President.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?