24

By

Pagbasa ng sakdal kay Maria Ressa, ipinagpaliban

Sharing is caring!

Iniurong ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 265 ang arraignment o ang pagbasa ng sakdal sa CEO ng online news agency na Rappler Holdings Inc., na si Maria Ressa na nahaharap sa kasong tax evasion.

Kanina, dumalo sa pagdinig si Ressa at ang kanyang abogado.

Ayon sa abugado ni Ressa na si Atty. Francis Lim, hindi na muna itinuloy ng korte ang arraignment sa beteranong mamamahayag at sa Rappler Holdings at sa halip, binigyan ng korte ang panig ng prosekusyon at depensa na magsumite ng kanilang mga karagdagang pleadings sa kaso.

Nanindigan si Ressa na walang basehan ang kaso laban sa kanya at sa Rappler at pawang politically-motivated lamang anya ang reklamo para gipitin sila ng pamahalaan.

Naniniwala rin ang kampo ni Ressa na walang hurisdiksyon ang Pasig RTC sa reklamo ng DOJ.

Nag-ugat ang kaso sa pagbili ng Rappler Holdings Corporation (RHC) ng tinatayang 119 million na common shares mula sa Rappler Inc. mula 2014 hanggang 2015.

Naniniwala ang DOJ na nagsilbing middleman ang RHC sa pagbili ng shares ng Rappler Inc.

Ayon sa DOJ, bilang dealer, dapat na nagbayad ang RHC ng P108 million na buwis.

Nanindigan naman ang Rappler na issuer ang kumpanya at hindi dealer ng Philippine Depositary receipts (PDR).

Nauna na ring naghain ng tatlong kasong tax evasion ang DOJ sa Court of Tax Appeals o CTA dahil sa umanoy kabiguan ng Rappler na maghain ng VAT returns para sa 3rd at 4th quarter at Income Tax Returns para sa taong 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?