99

Oct 12, 2017 @ 8:08

Pagbaril sa ulo ng utol ni Nadine, misteryoso pa rin

Nananatiling misteryoso ang umanoy pagpapatiwakal ng 16-anyos na binatilyong kapatid ng aktres na si Nadine Lustre.

Ayon sa source ng ABANTE, palaisipan ngayon sa mga nakatalagang pulis sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District kung bakit dalawang putok ng baril ang narinig ng nakababatang kapatid na babae ni Nadine na si Naomie mula sa silid ni Isaiah.

“Kung magpapakamatay ka at magbabaril ka sa ulo, isang putok lang ng baril tepok ka na nun. Hindi ka na makakakalabit pa ng baril, ” ayon sa source.

Hindi pa rin umano alam kung sino ang may- ari at kung saan nakakuha ng baril si Isaiah na ginamit nito sa pagpapakamatay

“Kailangan isailalim sa ballistic test ‘yung ginamit na baril kaya lang ayaw nang paimbestigahan ng father ni Nadine eh,” dagdag pa ng source.

Hanggang nagyon ay hindi pa nagsasalita si Nadine tungkol sa pagpapatiwakal ng nakababatang kapatid dahil nais muna umano ng kanyang pamilya na maging pribado ang nangyaring trahedya sa kanilang buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?