87

Oct 10, 2021 @ 15:23
By

Pagbangon ng Marawi ituon sa ari-arian ng residente – Angara

Apat na taon mula ng kubkubin ng mga terorista ang Marawi City, ngayo’y panahon na para itayo ang mga nasirang tahanan ng mga residente doon, ayon kay Senador Sonny Angara.

“Though we emerged victorious, there is no such thing as a war without death, damage, or destruction. While up to 1,200 individuals were killed on both sides of the siege, it was estimated that up to P17 billion worth of property and economic opportunities were lost,” sabi ni Angara.

Mahigit 350,000 katao ang nagsilikas sa nilikhang kaguluhan sa Marawi at batay sa May 2020 United Nations report, may 120,000 katao ang hindi nakakabalik sa naturang lungsod.

“The biggest casualty were the hopes and dreams of the proud Maranao people,” ani Angara.

Bilang chairman ng Senate finance committee, inilatag na ni Angara ang committee report ng Senate Bill 2420 na naglalayong bigyan ng karampatang kompensasyon ang mga biktima ng Marawi siege dahil sa pagkasira ng kanilang mga ari-arian.

Sa ilalim ng panukala, ang tax-free monetary compensation ay ibibigay sa mga may-ari ng residential, cultural o komersiyal na istraktura sa Most Affected Areas (MAA) at Other Affected Areas (OAA) sa loob ng Marawi City.

Ang MAA ay kinabibilangan ng 24 barangay: Lumbac Madaya, South Madaya, Raya Madaya 1 and 2, Sabala Amanao, Sabala Amanao Proper, Tolali, Daguduban, Norhaya Village, Banggolo Poblacion, Bubong Madaya, Lilod Madaya, Dansalan, Datu sa Dansalan, Sangkay Dansalan, Moncado Colony, Moncado Kadingilan, Marinaut West, Marinaut East, Kapantaran, Wawalayan Marinaut, Lumbac Marinaut, Tuca Marinaut at Datu Naga.

Samantala, sakop ng OAA ang walong barangay na kinabibilangan ng Saduc Proper, Panggao Saduc, Raya Saduc, Lilod Saduc, Datu Saber, Bangon, Fort at Wawalayan Caloocan.

Sabi ni Angara, ang kompensasyong ibibigay sa mga may-ari ng property na sisirain ay bahagi ng pagpapatupad ng Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?