574

By

Pagbangga ng Chinese boat sa bangka ng Pinoy, mukhang sinadya – WesCom

Lumalabas umano na “intentional” ang nangyaring pagtama ng Chinese fishing boat sa naka-angklang bangka ng mga Pinoy na mangingisda sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

“Kung titingnan ninyo po sa incident report, may intentionality eh, kasi hindi tumigil [ang vessel],” saad ni acting Western Command spokesperson Lt. Col. Stephen Penetrante.

Inihalintulad pa ni Penetrante ang insidente sa “hit and run” at malayo umano sa aksidente.

“It’s far from accidental kasi kung accidental po ito the SOP should be, they should stop ‘di po ba? And then they should rescue these fishermen natin ano po. E nung tinamaan nila ‘yung FB Gimver 1 ay ano po sila dire-diretso sila. Hindi nila tinigilan, hindi sila tumigil,” dagdag pa ng tagapagsalita.

Kasalukuyan na umanong iniimbestigahan ang insidente para malaman ang totoong nangyari noong gabi ng Hunyo 9 sa Recto Bank.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?