By

Pagbalik sa PNP ng war on drugs, suportado ng Kamara

Sharing is caring!

Kinatigan ng ilang kongresista ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang Philippine National Police sa giyera kontra iligal na droga.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, magsisilbing muscle sa war on drugs ang PNP dahil mas malaki ang puwersa nito.

Naipakita naman anya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kakayahan nitong puntiryahin ang mga high value target sa paglaban sa illegal drugs.

“The recent performance of PDEA shows that their capability enables them to go after high-value targets as far as drug suppliers and supply are concerned,” sabi ni Biazon.

Naniniwala ang kongresista na mas magiging epektibo ang deployment ng pwersa sa anti-drug operations ngayon dahil may sapat na tropa at kagamitan sa pagtatambal ng PDEA at PNP.

“The PNP, on the other hand, could serve as the muscle of the anti-drug campaign since they have the bigger manpower to deploy and the necessary police power to help in the enforcement of the law,” ayon kay Biazon.

Binalewala naman ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe ang nga kritisismo sa desisyon ng pangulo sa pagsasabing tamang ibalik ang pulisya sa war on drugs.

Pero nagpaalala si Batocabe sa PNP na huwag sapawan ang PDEA at huwag itong gawing pang sidelines lamang dahil malinaw anya sa utos na ito pa rin ang lead agency sa paglaban sa droga. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?