10

By

Pagbalik sa komite ng draft federal charter, utos ni GMA – solon

Sharing is caring!

Mismong si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo umano ang nag-utos na ibalik sa House committee on Constitutional amendments ang draft federal Constitution.

Ito ayon kay Cebu City Rep. Raul del Mar, ay para itama ang probisyon na nag-iitsapwera sa bise presidente sa line of succession.

Sinabi ito ni Del Mar matapos i-anunsyo kagabi sa plenaryo ang pag-recommit sa komite ng Resolution of Both Houses No. 15 kahit na-isponsoran na sa plenaryo.

Una rito, marami ang pumalag sa probisyon kung saan inaalis ang bise presidente sa line of succession at ipinapasa sa Senate President ang paghalili sa Pangulo sakaling may mangyari dito.

Naniniwala si Del Mar na dapat talagang itama ang naturang probisyon dahil mali na alisin ang bise presidente sa line of succession.

Wala anyang tinatawag na uncertainty sa politika na dapat tugunan ng naturang probisyon kahit pa ang sinasabing hindi malinaw sa ngayon kung sino kina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos ang kakatigan ng Presidential Electoral Tribunal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?