313

Sep 1, 2018 @ 12:23
By

Pagbalik ni Jordan Clarkson sa Team Pilipinas, ilista na!

Maaring hindi ito ang huling sulyap ng mga Pinoy fan kay Jordan Clarkson suot ang Pilipinas jersey.

Matapos hiyain ang Syria para kunin ang 5th place sa Asian Games 2018, nagpahayag ang ama ng Fil-Am cager na si Mike Clarkson na malaki ang tsansa na muling maglaro si Jordan para sa Pilipinas.

“Of course! Of course, (Jordan) had a lot of fun. He felt the pride. He felt all the love that he was given. I’m sure he’ll be back.” positibong pahayag ni Mike.

Isa ang 26-anyos na si Clarkson sa pinakaimpresibong manlalaro sa buong torneo, tumapos ng 29 points, anim na assists at apat na rebounds sa kanyang huling pagsalang sa Asiad bago tumulak pabalik ng Amerika para naman magsanay sa kanyang NBA mother team na Cleveland Cavaliers.

Ito rin ang nais mangyari ni Pilipinas coach Yeng Guiao sa hinaharap, puring-puri si Clarkson hindi lang sa galing nito, kundi pati sa disiplina at pagiging mapagpakumbaba sa labas ng court,

“We want him to return and play for us again as a member of our national team, but there are some things to be considered, like schedules and the NBA.” pakli ni Guiao. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?