30
harry-roque
Nov 28, 2017 @ 15:03
By

Pagbalik ng anti-drug operations sa PNP, nakabitin pa rin – Roque

Wala pa ring pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung kailan nito ibabalik sa Philippine National Police (PNP) ang kontrol sa anti-drug operations na inilipat sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na batay sa huli nilang pag-uusap ng Pangulo sa isyu, ikinukunsidera pa lamang niya ito at hindi pa nakapagpapasya.

Ano man aniya ang magiging desisyon ng Pangulo ay prerogative niya ito dahil siya lamang ang may absolute discretion sa usapin.

Mas mainam aniyang bigyan na lamang ng panahon ang Pangulo at hintayin ang kanyang pinal na kasagutan sa isyu ng anti-drug operations.

” I think we should allow the President absolute discretion on whether or not he will transfer it anew to the PNP and when he would do it. Unless the issues the necessarily written directive, it remains with the PDEA, and let’s leave it at that,” ang pahayag ni Roque.

Naunang inihayag ng PDEA na sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002, ang ahensiya ang dapat talagang mangasiwa sa lahat ng anti-drug operations sa bansa at ang PNP ay siyang makakatulong sa pagsakatuparan ng drug operations. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?