26

Feb 28, 2020 @ 13:24
By

Pagbalasa sa BI, balewala kung mananatili ang korapsyon – Lacson

Ang ‘total revamp’ sa Bureau of Immigration ay maaring tamang hakbang subalit kailangan munang alisin ang kasakiman at korapsiyon dahil may mga dahilan aniya sa likod ng ‘pastillas’ modus ng ilang kawani ng ahensiya, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“While the Bureau of Immigration’s reshuffle of its airport personnel may be a step in the right direction, it will have little success if it does not eradicate greed and corruption,” pahayag ni Lacson sa isang statement.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos magpatupad ng balasahan ang BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal kasunod ng pagbunyag ng kontrobersiyal na “pastille” scheme.

Sa naturang raket, saan tumatanggap ang ilang tiwalang kawani ng BI ng P10,000 kapalit ng mabilis na pagpasok sa bansa ng mga Chinese national na kalaunana’y pumapasok sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

“The huge payoffs involved in the racket or scheme in the BI have been going on for quite some time. It is not a consequence of low pay and lack of overtime benefits, but of greed and corrupt attitudes of government workers who are clothed with the power and authority that go with their positions,” saad ni Lacson.

“Suspension or termination of overtime pay and non-inclusion in the salary hike of other government employees should never be a reason for corrupt BI personnel to justify the illegal acts they commit to augment their income. That is crap, and I am not buying it,” dagdag nito.

“Noong pumasok kami bilang mga kawani ng gobyerno, alam naman namin ang mga limitations, even sacrifices, as well as the benefits that go with being in public service,” ani Lacson.

“But even the so-called benefits are governed by rules and regulations, and should not put us above our counterparts in the private sector,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?