16

Oct 1, 2021 @ 11:13
By

Pagbakuna sa mga kabataan, ilalarga na sa October 15

Sisimulan na sa October 15 ang pagbakuna sa mga kabataang edad 12-17 at general population laban sa COVID-19 sa mga pangunahing lungsod sa bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Huwebes ng gabi sa layuning maprotektahan ang mga kabataan sa bagsik at peligro ng COVID-19.

“I am very pleased to let you know that IATF acted on my recommendation to approve–to open the vaccination program to the general population immediately and also to begin the inoculation of our 12-17 years old children against COVID-19 as a pilot in key cities starting October 15,” anang Pangulo.

Magiging prayoridad ang mga kabataang mayroong comorbidities at isinasapinal na ng Department of Health ang guidelines para sa pediatric vaccination.

Naunang nanawagan ang Pangulo sa mga magulang na ipalista na ang kanilang mga anak para sa gagawing pagbakuna.

Kinakailangang mayroong medical clearance ng mga batang mayroong mga sakit at dapat mayroong permiso mula sa mga magulang at sa mismong duktor ng mga ito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?