78

Sep 25, 2019 @ 23:43
By

Pagbabayad ng P841.6M utang sa SSS, iaapela ng Wellex, Waterfront

Iaapela ng Wellex Industries Inc. (WII) at Waterfront Philippines Inc. (WPI) ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nag-uutos sa mga ito na bayaran ang P841.6 milyong inutang sa Social Security System (SSS) noong 1999 kasama na ang interes at penalty charges.

Ang utang ay gagamitin dapat para pondohan ang pagpapagawa ng pasilidad ng mga kumpanya at ilang lupa ang ginamit na kolateral para sa utang.

“WII/WPI will move for the reconsideration of the Decision or elevate the matter to the Supreme Court,” sabi ng Wellex at Waterfront nitong Miyerkoles.

Inilabas ng CA ang desisyon noong August 30 na nagbabaliktad sa desisyon ng Regional Trial Court ng Quezon City na nagdedeklarang null and void ang loan contract at nag-utos sa mga kumpanya ng mga Gatchalian na ibalik ang pera ng SSS at nag-uutos naman sa SSS na ibalik ang mga lupang inimit nito.

Inapela ng SSS ang desisyon ng RTC noong January 22, 2016.

Sabi ng Wellex na nakatanggap ito ng “resolution for possible settlement” mula sa CA noong Setyembre 6, 2016 subalit huli nang dumating ang notice to appear sa Philippine Mediation Center Unit ng CA kaya hindi ito nakatuloy.

Nakatanggap ang Wellex at Waterfront ng pangalawang notice to appear ngunit huli na din ito naipadala sa kanila at tapos na ang petsa ng meeting kaya niresolba na ng CA ang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?