68
unknown-text-call
Apr 5, 2018 @ 12:18
By

Pagbabawal sa unsolicited call at text, OK na sa Kamara

Nakalusot na sa ikalawang pagbasa ng kamara ang “No Call, No Registration System” bill na sasawata na sa unwanted o unsolicited na tawag sa cellphone at text messages.

Ang House Bill 7321 na pangunahing iniakda ni Cavite Rep. Francis Gerald Abaya ay nagtatakda ng mga polisiya para sa proteksiyon ng mga cellphone subscriber at ng parusa sa lalabag dito sakaling maging ganap na batas.

May probisyon ito para sa no call register at no text register kung saan magpapalista ang subscriber na ayaw makatanggap ng partikular na tawag o voice message, o kaya naman ay partikular na text gaya ng sa advertisement.

Ipinagbabawal sa panukala ang pagpapadala ng ads at push messages maliban na lamang kung may consent ang subscriber o kung pumayag ito na makatanggap ng ganitong mensahe nang walang bayad.

Ang mga telephone number na nasa no call at no text register ay hindi maaaring palitan maliban na lamang kung request na ng may-ari nito.

Sakaling maging ganap na itong batas, mahaharap sa multang 50,000 hanggang 100,000 pesos ang sinumang indibidwal o kumpanyang lalabag dito para sa bawat unsolicited call o text.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?