7

Feb 23, 2021 @ 17:32
By

Pagbabawal sa nakalatag na billboard kapag may bagyo inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na magbabawal sa nakakabit na billboard kapag mayroong paparating na bagyo.

Sa viva voce o voice voting idinaan ang botohan sa House Bill 7471 o Bawal Billboard Tuwing Bagyo bill na akda ni Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, ng CIBAC partylist.

Layunin ng panukala na maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng mga nakakabit na tarpaulin sa kapag mayroong paparating na bagyo.

Sinabi ni Villanueva na marami ng mga insidente kung saan nagdulot ng panganib ang tarpaulin billboard na natanggap mula sa kinakabitan nito gaya ng nangyari noong 2005 kung saan sumabit sa kable ng kuryente ng Metro Rail Transit Line 3 kaya tumigil ng ilang oras ang operasyon ng tren.

Sa ilalim ng panukala, kailangang alisin ng billboard operator ang mga nakakabit na tarpaulin o patayin kung ito ay electronic billboard sa loob ng 12 oras matapos na ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.

Ang mga hindi susunod ay maaaring makulong ng anim na buwan hanggang isang taon at multa na hanggang P300,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?