85

Jan 6, 2022 @ 14:34
By

Pagbabawal sa child marriage batas na—lady solon

Isa ng ganap na batas ang panukala na nagbabawal ng child marriage sa bansa at nagpaparusa sa mga gagawa nito.

Ayon kay House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera, nakumpirma nito sa Malacañang na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala.

“I was able to confirm in Malacañang that the End Child Marriage Bill, which we fought for and championed in Congress for many years, has now been signed into law,” sabi ni Herrera na isa sa may-akda at sponsor ng panukala sa Kamara de Representantes.

Maituturing umano itong isang “major victory” sa pagtugon sa pangangailangan na maproteksyunan ang mga bata.

Ayon kay Herrera, ang child marriage ay isang uri ng violence against children.

“This new law is a big step towards ensuring that the children’s rights will be upheld and their well-being and future secured,” dagdag pa ni Herrera.

Sa ilalim ng batas, gagawing ilegal ang pagsasagawa ng child marriage at ang pag-aasawa ng isang matanda at isang bata.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P40,000 at maaaring makulong ng hanggang 12 taon.

Pinuri ni Herrera si Duterte dahil binigyan nito ng pagkakataon ang batas na maitama ang mali sa lipunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?