jackie-kobe
By

Pagbabati nina Jackie, Kobe at Andre iniyakan sa showbiz

Sharing is caring!

Marami na ang 5,000 likes noon sa mga pino-post ni Jackie Forster sa kanyang Instagram account. Su­werte na kung umabot ng 100 ang komento sa bawat IG post niya.

Pero nitong nakalipas na araw, umabot na sa mahigit 60,000 ang likes ng IG post niya, at kulang-kulang 6,000 na rin ang mga komento, na karamihan nga ay tuwang-tuwa, and at the same time ay naiyak sa napakagandang larawan na pinost niya.

Anyway, ang picture nga na napapagitnaan siya ng kanyang dalawang anak na sina Andre Paras at Kobe Paras ang pinost ni Jackie sa kanyang Instagram.

Picture na sa unang tingin aakalain mong edi­ted, dahil parang imposibleng mangyari, base na rin sa nalalaman nating sitwasyon nila.

Pero, nangyari nga ang reunion na hindi inaasahan, pero ipinagdarasal ng lahat.

Sa ngayon, ang pakiusap lang ni Jackie ay…

“I ask for everyone to please respect their privacy now, we have shared so much of our personal lives with everyone and we want to take this time to heal and bond. No more bashing please. We lift you all up in prayers and speak blessing upon you all. The boys and I do not want to dwell on the past. We will not speak on behalf of people outside of our relationship. That’s not our place. On behalf of my two sons I want to thank those of you who prayed for us and with us! 
God bless your hearts a million folds!”

“I Love You Ma!” ang napakasarap na komento ni Kobe Paras sa IG post na ‘yon ng kanyang ina na mahigit isang dekada nga niyang hindi nakasama.

Sa post na ‘yon ni Jackie, isa-isang naglabasan ang mga nanay ng showbiz, na tuwang-tuwa sa nangyaring ito. Lahat sila ay nagsasabing naiyak sila na finally ay nangyari na ang ipinagdarasal nila nang mahabang panahon.

“God is so good!” sabi ni Karla Estrada, ang nanay ni Daniel Padilla.

“God is so good. So happy for you sis. Finally!” sey naman ni Sunshine Cruz.

“Amen! Sobrang nakakaiyak to sis. Tears of joy. God bless your family. Soo happy for you my dear friend,” sey naman ni Jessa Zaragoza.

“Ang popogi nila momshie. Amen. Lord the best ka talaga,” sey ni Rufa Mae Quinto.

“So much love. Happy for you sis. God is so good,” sambit ni Danica Sotto Pingris.

“This is awesome. God is good!” sabi ni Marjorie Barretto.

“Truly with Him nothing is impossible!” sey ng isa na ring ina na si Bettina Carlos.

“So so happy for you. Answered prayer,” sabi ni Bernadette Allyson, ang misis ni Gary Estrada.

“Heart!’ komento ni Ana Roces.

“Awwww! Hearts!” sabi ni G Toengi.

“So happy for you,” sey ni Jackie Lou Blanco.

“I am very HAPPY for you and my heart cries with gladness. That cord that binds a mother and her child can never be broken. You guys are a living testament of that and God’s grace,” saad naman ni Shyr Valdez.

At kahit ang tatay na si Doug Kramer ay tuwang-tuwa rin sa pangyayari.

“I’m so happy to see this picture! God bless you guys!” sey niya.

“Happy for you!” sey ni Sherilyn Tan.

“Awww so happy for you. I’ve been praying for you guys,” say ni Janna Victoria.

“God is good and great. I am soooo happy that you are together again with your sons. Praise be the living God who heals and restores. He is the God of restoration,” makahulugang sabi naman ni Jinkee Pacquiao.

Well, sana nga ay huwag nang intrigahin, pakialaman, ng mga tao ang relasyon nina Jackie at ng kanyang mga anak. Hayaan na lang na maging masaya ang mag-iina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?