68

Aug 29, 2019 @ 15:06
By

Pagbabantay sa EDSA paiigtingin ng HPG

Tiniyak ng bagong hepe ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na mas paiigtingin nila ang pagbabantay sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) lalo na kung rush hour.

Ayon kay HPG Director, Brig. Gen. Eliseo Cruz, partikukar na tututukan nila ang traffic direction and control.

Ito rin aniya ang kanilang gagawing proactive measures upang malabanan ang iba’t ibang klase ng krimen na maaaring mangyari sa kahabaan ng EDSA.

Dagdag ni Cruz, nasa 170 HPG personnel, 20 mobile cars at 36 HPG motorcycles ang kasalukuyang naka-assign sa kahabaan ng EDSA upang tumulong sa pagpapaluwag ng trapiko.

Maliban dito ay target rin ng HPG na hulihin ang mga walang disiplina na mga motorista.

Ang pagbabalik ng HPG sa EDSA ayon kay Cruz ay bahagi ng mandato ng kanilang unit na maging present sa mga pangunahing lansangan di lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba pang probinsya.

Giit pa ng opisyal na ang deployment ng HPG policemen sa mga pangunahing kalsada ay napatunayan na noon pang nagdaang administrasyon na effective sa pagpapatupad ng batas trapiko na nakakatulong sa mga motorista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?