32

Nov 27, 2017 @ 17:13
By

Pagbabantay ng human rights groups, ‘welcome’ sa PNP

‘Welcome’ sa Philippine National Police (PNP) kung mas tututukan sila ng human rights groups sa kanilang muling pangunguna sa war on drugs sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, maganda ang hakbang na ito ng human rights groups dahil magtutulungan aniya ang pamunuan ng PNP at grupo sa pagmo-monitor sa mga ikinakasang operasyon ng mga anti-illegal drugs units.

Layon nitong hindi na maulit pa ang mga naunang nagawang paglabag sa police operational procedure ng ilang pulis kaugnay sa operasyon kontra iligal na droga.

Matatandaang buwan ng Pebrero ng nakalipas na taon nang unang inalis sa PNP ang pagsasagawa ng war on drugs kasunod ng pagkakapatay sa Korean national na si Jee Ick-Joo sa loob missmo ng Camp Crame pero pagkalipas ng isang buwan ay ibinalik agad sa PNP.

Nitong nakalipas na buwan ng Oktubre muling inalis ng Pangulo sa PNP ang pangunguna sa war on drugs dahil sa sunod-sunod na pagkakapatay ng mga menor de edad sa Caloocan City.

Sa kasalukuyan, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nangunguna sa war on drugs ng Duterte administration pero nagpahayag na ang Pangulo na muli itong ibabalik sa PNP. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?