2,950

May 22, 2019 @ 17:20
By

Pagbabalik sa Senado ni Bong, kagustuhan ng Diyos – Lani

Wala umanong plano ang pamilya Revilla na kasuhan ang mga taong may kinalaman sa pagkakakulong ni Senator-elect Bong Revilla dahil sa pandarambong.

Ayon sa misis ni Bong na si actress-politician Lani Mercado, masaya umano sila sa pagwawagi ng una at gusto nilang magkaroon ng kapayapaan at magpahinga sa ngayon habang naghahanda ang kaniyang mister sa pagpasok sa Senado.

Dagdag pa niya, ang pagkapanalong muli ni Bong bilang senador matapos makulong ay kagustuhan ng Diyos.

“It is God’s will,” ani Lani sa ABS-CBN report.

Bukod sa pagkapanalo ni Bong, wagi rin si Lani bilang alkalde ng Bacoor, Cavite.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?