33

Jan 26, 2021 @ 22:28
By

Pagbabalik ni Fajardo, hamon kay Caperal

Isang hamon para kay Barangay Ginebra big man Prince Caperal ang nagbabadyang pagbabalik ni San Miguel Beermen stalwart June Mar Fajardo sa darating na PBA 46th season sa Abril.

Nitong nakalipas na 2020 PBA Philippine Cup, katuwang si Caperal upang makamit ng Ginebra ang kampeonato at mawakasan ang paghahari ng Beermen.

Tinanghal rin bilang 2020 PBA Most Improved Player ang 27-year-old cager para sa kanyang ipinakitang husay.

“Ganun talaga pag nagcha-champion, may target ka sa likod. Mahigpitan ang labanan,” sambit ni Caperal via PBA.ph.

Bagama’t batid na mahihirapan sa magiging comeback ni Fajardo, masaya naman si Caperal na makakapaglaro na muli ang 6-foot-9 center matapos ang ilang buwan.
“I’m glad na babalik na si June Mar. Sobrang sarap makipaglaro kay June Mar,” diin ng basketbolista.

“MVP. Sobrang nakaka-challenge,” giit ni Caperal.

“Sobrang laking tao pero sobrang bait. Ang hirap dikitan, masyado mabait kasi.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?