48

Apr 21, 2020 @ 14:24
By

Pagbabalik ng POGO, tinitingnan ng gobyerno

Sinusuri ng gobyerno kung papayagan bang makabalik ang Philippine offshore gaming operator (POGO), kung saan karamihan sa mga empleyado ay mga Chinese.

Ito’y matapos na isang kongresista ang nagmungkahi na ibalik ang POGO industry sa kabila ng enhanced community quarantine dahil makakatulong umano ito para makalikom ng pondo para malabanan ang COVID-19 pandemic.

“The evaluation is ongoing,” saad ni Finance Secretary Carlos Dominguez III. “But let me reiterate, all of the above depend on the results of the ongoing evaluation of the trade-offs involved in the decision of maintaining the current partial lockdown or tightening it or loosening it further.”

Unang minungkahi ni ACT-CIS Rep. Eric Yap sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na payagang makapag-operate ang mga POGO dahil ambag nito sa buwis ng bansa.

“In view of [exhausted] government coffers, the suspension of POGO operations should be lifted immediately to give our tax collection a much-needed boost,” pahayag ni Yap.

“It will not harm us to have additional sources of revenue that we can use for our hungry countrymen. Lives are at stake and we need to act fast,” lahad pa nito.

Matatandaan na kasama ang POGO sa mga pinasara ng gobyerno sa kasagsagan ng lockdown sa Luzon para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Naniniwala si Yap na ang pag-resume ng POGO industry sa bansa ay makakatulong para may maitulong pa sa mga Pilipino sakaling ma-extend ang ECQ.

“We need to find ways to boost the collection of taxes, but it should not be at the expense of public health,” aniya pa, kaya sinusulong na magkaroon ng work from home set-up ang mga Pogo business,

Nasa P2B ang inaasahan na makolektang buwis sa POGO kada buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?