67

Apr 5, 2018 @ 15:38
By

Pagbabalik ng govt-NDF peace talks ikadidismaya ng mga sundalo – Trillanes

Ibinabala ni Senador Antonio Trillanes IV ang demoralisasyon o pagkadismaya ng mga sundalo dahil sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New Peoples Army (CPP-NDF-NPA).

Ayon sa senador, mayroon nang momentum ang mga sundalo dahil nagagapi na ang mga rebeldeng komunista pero patitigilin naman sila ngayon ng gobyerno dahil sa peace talks.

“This will cause demoralization. Hindi malaman ng mga sundalo. Ano ba talaga ang polisiya? Peace ba o maggigiyera with the communists?” ani Trillanes na dating sundalo.

Ayon sa senador, pinaglalaruan ng pangulo ang buhay ng mga sundalo pati ng mga pulis na silang tinatambangan ng mga maka-komunista.

Nasa panig umano ng mga rebelde ang puso ng pangulo mula pa noong alkalde ito ng Davao City kung saan kinanlong at itinuring pang bayani ang mga ito.

Inungkat ang pagbibigay ng cabinet positions sa ilang lider-komunista.

Bagaman natanggal na sina dating Agrarian Reform Secretary Rafel Mariano at dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo, iba’t ibang ahensya pa rin ng gobyerno ang mga makakaliwa na nagre-recruit at nagpapasweldo sa mga rebelde sa kanayunan.

“Nagpapalakas na, sinusuwelduhan pa nila ang mga rebelde. Kaya ang gobyerno at ang taumbayan, nag aambag pa sa pagpapalakas ng mga komunista,” ani Trillanes.

“Hanggang si Duterte ay nasa Malakanyang, lalakas at lalakas ang mga komunista,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?