17

Oct 12, 2021 @ 14:47
By

Pagbabakuna sa 50% ng target population, asam sa Disyembre

Nais ni Pangulong Rodrig Duterte na paigtingin pa ang pagbabakuna sa buong bansa para maabot ang kalahati ng target population bago matapos ang taon.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na marami na ang dumarating na supply ng COVID vaccines sa bansa kaya ang gagawin na lamang ay pabilisin ang vaccination rollout sa buong bansa para makausad at makabangon sa epekto ng pandemya.

Tiwala naman ang Presidente na sa kabila ng mga kinakaharap na mga hamon sa pagbabakuna ay makakatapos ang mga pangunahing lungsod sa bansa pagdating ng Disyembre.

“The challenge now is to speed up our vaccination rollout especially in the provinces and key cities and municipalities to achieve our target of at least 50% of the country’s population by the end of the year,” anang Pangulo.

Sa ngayon ayon sa Presidente ay nakapagbakuna na ang gobyerno ng halos 50 million doses, 23 million dito ang nakakumpleto na ng bakuna sa buong bansa.

Sa National Capital Region ayon sa Pangulo ay nasa 77 % na ang fully vaccinated o katumbas ng mahigit 7.5 milyon na mga indibidwal.

Dahil dito, muling nanawagan si Pangulong Duterte sa mga hindi pa nakatanggap ng COVID vaccine na magpabakuna na, at huwag mamili ng brand dahil dagdag proteksiyon ito laban sa COVID-19.

“Again, I would like to ask everyone to go put and get yourself vaccinated, regardless of the brand. This is not just for your own protection but also part of your civic duty to protect others and also allow us to turn the page to get everyone back on track to normalcy,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?