5

Sep 11, 2020 @ 18:20
By

Pagbabakuna kontra tigdas, polio aprub na sa IATF

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsasagawa ng Department of Health (DOH) ng measles at polio immunization drive nationwide.

Sa inilabas na Resolution No. 70, hinikayat ng IATF ang mga local government unit na suportahan ang programa para masiguro ang kalusugan ng publiko.

“The IATF endorses the conduct of the Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activities of the DOH. For this purpose, health personnel shall be allowed to undertake immunization activities in relation thereto regardless of community quarantine status in the place where the same shall be conducted,” nakasaad sa resolusyon ng IATF.

Magugunitang inilunsad ng gobyerno ang masidhing vaccination campaign matapos maiulat ang polio outbreak noong September 2019.

Gayundin ang measles outbreak sa Metro Manila at iba pang rehiyon noong nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?