27

Oct 12, 2021 @ 20:14
By

Pagbaba sa alert level aprub sa mga mayor

Aprub sa mga Metro Manila mayor na higit pang buksan ang ekonomiya lalo na sa darating na Kapaskuhan kaya umaasa silang ikonsidera ng Department of Health ang pagbaba sa COVID-19 alert level status sa rehiyon simula Oktubre 16.

Ani Metro Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos, bumaba na ang COVID-19 reproduction rate sa Metro Manila batay sa datos ng OCTA Research mula sa 1.25 noong September 17 patungo sa 0.61 nitong Oktubre 8.

Gayundin, bumaba aniya ang COVID-19 growth rate sa National Capital Region mula sa 41.84% patungong 26.02%.

“Everything is going down. Even the hospitals. That’s why the mayors really are praying that the alert level will also go down. In fact, right now, ginagalawan na namin ang economy,” sambit ni Abalos.

Ipinunto rin niya na 78% na ng mga residente sa Metro Manila ang fully vaccinated na laban sa COVID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?