4
dole1
By

Pagbaba ng unemployment rate, ibinida ng DOLE

Sharing is caring!

Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang kampanya kontra kontraktuwalisasyon bilang isa sa mga pangunahing dahilan kaya’t bumaba ang underemployment rate sa bansa noong Oktubre.

Ayon kay Dominique Tutay, director ng Bureau of Local Employment ng DOLE, ang pagbaba sa 13.3 percent mula sa 15.9 percent ng unemployment rate ay maaaring bunga ng maraming contractual employees ang naging regular na sa trabaho.

Sinabi naman ni Labor Sec. Silvestre Bello III, nasa kalahating milyong manggagawa na ang naging regular simula noong 2016.

Ang mga maituturing na underemployed ay ang mga kawani o manggagawa na naghahanap pa ng karagdagang trabaho o gusto ng mas mahabang oras sa trabaho para mapalaki ang kanilang kinikita.

Samantala, sinabi naman ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Associated Labor Union – Trade Union Congress of the Phils., kung matutupad lang ang mga pangako na regularisasyon ay mas mababawasan pa ang underemployment rate.

Aniya, ang contractual employees ay mas mababa ang suweldo at konti ang benepisyo kumpara sa mga regular na empleyado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?