28

Oct 9, 2017 @ 13:13

Pagbaba ng ratings, wake-up call kay Duterte – Senators

Hinikayat ng ilang senador si Pangulong Rodrigo Duterte na ituring bilang ‘wake-up call’ ang pagbulusok ng kanyang net satisfaction ratings.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat sa pagbaba ng kanyang rating, dapat pag-aralang mabuti ng administrasyon ang mga polisiyang ipinatutupad nito sa kasalukuyan.

“This is also reflective of how people perceive…Dapat tingnan nila kung ano ang mga dapat baguhin. Sigurado ako na they will re-examine and review their policies,” saad ni Drilon.

Pinayuhan naman ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang mga opisyal ng Duterte Administration na maging sensitibo sa nararamdaman ng taumbayan.

“Bawasan ng konti lalo na sa parte ng kanyang mga opisyal ung pagiging manhid, arogante at tila walang pakialam,” pahayag ni Escudero.

Iginiit naman ni Senador Paolo Benigno “Bam” Aquino na hindi dapat balewalain ng administrasyon ang survey at sa halip ay maging wake-up call ito para baguhin ang mga polisiya.

“Ang hinihiling lang naman main ay gawin ung tama at gawin ung trabaho,” dagdag ni Aquino.

Naniniwala naman sina Escudero at Aquino na dapat lamang na tapusin ni Pangulong Duterte ang kanyang termino at ipakita na handa ang administrasyon na tugunan ang mga problema ng bansa.

“Tama lang naman na tapusin po nya ung term nya kasi binoto sya ng taumbayan,” saad ni Aquino.

“Dapat tapusin ang kanilang mandato at termino…wake up call lang naman talaga ito sana maging hudyat ito sa administrasyon  na may ilang bahay silang kailangang baguhin,” pahayag ni Escudero.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?