355

Oct 1, 2018 @ 17:54
By

Pagbaba ng ‘edad kriminal’ aprub sa PNP

Suportado ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang panukala ni Senate President Tito Sotto III na maibaba ang edad kung saan maaari nang papanagutin sa krimen ang menor de edad.

Sinabi ni Albayalde na kumukuha pa lang din sila ng mga reaksyon hinggil sa panukala ni Sotto.

Aniya napakahalaga ng mga datos mula sa kanilang mga regional office para suportahan ang kanilang posisyon at argumento.

Sa panukala ni Sotto, mula sa edad 15 ay gusto niyang maibaba ito 13 para sa criminal liability.

Gusto ni Sotto na maamyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act na iniakda ni Sen. Kiko Pangilinan.

Samantala, ibinahagi ni Albayalde sa ilang bansa sa Europe at South Africa ang criminal liability age ay mula anim hanggang 10 taon gulang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?