433

By

Pagbaba ng crime rate sa bansa, ibinida ng PNP

Sharing is caring!

Ibinida ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng crime rate ng bansa base sa resulta ng Pulse Asia Survey na kung sa bumaba ang crime rate sa 6.6% mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kumpara sa 7.6% noong nakaraang taon.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, basehan ito ng maayos na pamamahala ng pulisya pagdating sa kaayusan at kapayapaan ng bansa.

Ibinida pa ng PNP ang resulta ng 2018 Gallup Survey on Peace and Order na nagsabing ang seguridad sa Pilipinas ay “comparable” sa Australia at South Korea na mga developed countries.

Lumabas sa dalawang surveys na nabawasan ang bilang ng mga krimen habang nag-improve ang law and order situation na nangangahulugan na epektibo ang anti-crime strategy ng PNP.

Bagaman may mga insidente ng pagpatay, sinabi pa ni Durana na dapat malaman ng publiko na umayos pa ang peace and order situation sa bansa batay sa kanilang datos sa kabila ng naganap na pagpatay sa dalawang alkalde ng Batangas at Nueva Ecija.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?