106

By

Pagbaba ng bilang ng mga adik, sampal sa mga kritiko – Palasyo

Ipinamukha ng Malacañang sa oposisyon at mga kritiko ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na nagsabing anim o higit pa sa sampung Pilipino ang naniniwalang bumaba ang bilang ng drug addicts sa kanilang lugar sa nakalipas na isang taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na panahon na para itigil ng oposisyon at mga kritiko ang pagiging bulag at bingi sa kanilang paniwala dahil ang publiko na ang nagsabing malaki na ang ibinaba ng bilang ng mga lulong sa iligal na droga bilang resulta ng pinaigting na anti-drug war ng Duterte administration.

“We ask them to stop playing blind dumb and instead listen to the people: 83% of people of Mindanao say there are less drug addicts there; 71% in the Visayas say there is a decrease; 67% in Metro Manila likewise say there is a decrease; while 54% in Luzon share the same sentiment,” ani Panelo.

Malugod namang tinanggap ng Palasyo ang SWS survey na ayon kay Panelo ay indikasyon ng matagumpay na kampanya ng Duterte administration kontra droga.

Magpapatuloy aniya ang kampanya ng pamahalaan kahit pa panay-panay ang mga batikos at mga pagpunang tinatanggap ng Duterte administration sa loob at labas ng bansa.

Matatandaang dinala ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa International Criminal Court ang isyu sa anti-drug campaign at pinalitaw na mayroong extrajudicial killings sa bansa dahil sa mga napapatay na drug suspects.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?