35

Oct 11, 2021 @ 15:13
By

Pagbaba ng alert level sa NCR depende sa IATF, DOH – Palasyo

Nakasalalay pa rin sa desisyon ng Inter-Agency Task Force at Department of Health kung ibababa na ang alert level 4 na umiiral sa Metro Manila.

Sa harap na rin ito ng naitalang mababang COVID cases at pagbagal ng kontaminasyon sa nakalipas na ilang linggo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maganda ang ipinapakitang datos sa National Capital Region kung saan ipinatupad ang pilot implementation ng alert level system pero nasa IATF pa rin ang pagpapasya kung ano ang magiging alert level sa susunod na linggo.

“Meron pong datos na nagpapakita na we can lower the quarantine classification. Pero kinakailangan pag-aralan muna ang resulta ng pilot. I would say that the data supports a reduction of the alert level but that’s ultimately the decision of the IATF. Abangan na lang natin, magpupulong po yan on Thursday,” ani Roque.

Batay aniya sa datos, nasa moderate risk na lamang ngayon ang ICU capacity na isa sa ikinukunsidera sa pagtatakda ng quarantine classification sa epekto. COVID-19 sa bansa.

“Datos ang nagsasabi kung bababa ang quarantine classification. Ang mabuting balita, pagdating sa ICU capacity for the first time in many many months, ang Metro Manila ay nasa moderate risk and that is also a factor to consider in lowering quarantine classification,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?