122

Jul 4, 2020 @ 21:29
By

Pagawaan ng alak sa Batangas, sunog sa kidlat

Nasunog ang gusali ng isang kompanya sa Brgy. Talisay, Calaca, Batangas nitong Sabado ng hapon dahil sa kidlat.

Sa inisyal na report ng Calaca Information Office, alas-singko ng hapon nagsimula ang sunog sa Balayan Distillery Inc.

Nasunog ang nasabing distillery matapos tamaan ng kidlat ang isa sa mga ethanol tank nito.

As of 6:00PM ay inaapula pa ang apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?