35

Mar 20, 2020 @ 16:09
By

Pagasa: Tag-init simula na

Magsisimula na umanong maramdaman ang mas mainit na panahon, makaraang ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos ng Northeast moonsoon o hanging Amihan.

“The gradual shift of wind direction from northeasterly to easterly over most parts of the country due to the establishment of the high pressure area over the northwestern Pacific Ocean signifies the termination of the northeast monsoon,” ayon sa PAGASA.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig at bawasan ang heat stress.

Patuloy din umano ang ahensya sa pagmo-monitor sa gitna ng pagpapatupad ng enhance community quarantine dahil sa coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?