140

Apr 23, 2018 @ 12:07
By

PAGASA nagbabala sa titinding ‘init factor’

INANUNSIYO ng PAGASA na mas titindi pa ang mainit na temperatura sa mga darating na araw.

Ayon kay Gener Quitlong, weather specialist ng PAGASA, papasok pa lang kasi ang ‘peak’ ng panahon ng tag-init sa bansa.

Aniya, maaring umabot sa 49 degrees Celsius ang mararamdamang heat index.

Kasunod ito nang pagkakatala ng matataas na heat index o init factor sa 14 na lalawigan sa bansa kahapon at sa Sangley Point sa Cavite naitala ang pinakamataas na 47.7 degrees Celsius.

Matinding init factor din ang naitala sa San Jose City, Occidental Mindoro; Dagupan City, Pangasinan; Cuyo, Palawan; Surigao City, Surigao Del Norte; Casiguran, Aurora; Daet, Camarines Norte; Aparri, Cagayan; Cabanatuan, Nueva Ecija; Laoag City, Ilocos Norte; Cotabato City, Maguindanao; Tuguegarao City, Cagayan; at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Kaya’t patuloy ang pagpapayo ng PAGASA, na huwag magbilad sa araw hanggang alas-2 ng hapon, uminom ng maraming tubig at magsuot ng komportableng damit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?