101

Oct 29, 2020 @ 17:53
By

Pagasa nagbabala sa bagyong Rolly

Nagbabala sa publiko ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa paparating na bagyong Rolly, na mas malakas ang impact kumpara kay “Quinta”.

Papangalanang “Rolly” ang Tropical Storm Goni sakaling pumasok sa bansa nitong hapon o gabi.

Isa na siyang severe tropical storm at huling naispatan sa silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na 95 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 115 kph.

Dagdag ng Pagasa, posibleng tahakin ng bagong bagyo ang dinaanan ni “Quinta”, na kumitil ng 16 katao at nag-iwan ng P737 milyong pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa bansa.

Inaasahang magla-landfall ang bagyong Rolly sa Quezon-Aurora area sa November 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?