178

Jun 20, 2019 @ 16:32
By

PAGASA nagbabala ng malalakas na bagyo dahil sa El Niño

Binalaan ng PAGASA ang publiko na maghanda sa pagpasok ng malalakas na bagyo sa bansa nitong taon dahil sa El Niño.

Ayon kay PAGASA deputy administrator Landrico Dalida, ang abnormal warming ng Pacific Ocean ang magdadala ng malalakas na ulan tulad ng bagyong Ondoy.

“If these (cyclones) hit the Philippines, these could be as devastating as Ondoy, which happened at the time we also had an El Niño,” saad ni Dalida.

Sa El Niño umano, nagiging mainit-init ang Pacific Ocean na nagdudulot ng malakas na evaporation at condensation na nabubuo sa rain clouds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?