119

Dec 15, 2017 @ 19:42

PAGASA: Eastern Visayas nasa panganib dahil kay ‘Urduja’

Nasa panganib umano ang Eastern Visayas dahil sa patuloy na hindi paggalaw ng bagyong Urduja, ayon sa PAGASA.

Sa 5:00 p.m. weather update nito, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Northern Samar – Eastern Samar bukas, Disyembre 16.

Mayroon itong katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa 500 km diameter ng bagyo.

Magpapatuloy ang kalat at malawakang pag-ulan sa Eastern Visayas at Caraga at inaasahang magpapaulan sa Bicol Region at sa Visayas sa loob ng 24 oras.

Pinag-iingat naman ang mga residente sa lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa at kung maaari ay makipag-ugnayan sa kanilang local na pamahalaan at sa disaster risk reduction and management offices.

Nananatili namang mapanganib ang magbiyahe sa karagatang sakop ng silangan ng Bicol Region at Visayas dahil sa papalapit na bagyo.

Namataan ang sentro nito, sa 4:00 p.m. weather bulletin ng PAGASA, sa 240 kilometro ng silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

May lakas ng hangin na 75 kph ang bagyong Urduja at pagbugsong 90 kph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?