193

Jul 25, 2018 @ 15:05
By

PAGASA: Bagyong Jongdari, hindi na papasok ng PAR

Nag-iba na ng direksiyon ang bagyo na may international name na “Jongdari” at malaki ang posibilidad na hindi na ito pumasok ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,545 kilometro ng Basco, Batanes, at ang lokasyon umano nito ay malayo na sa PAR boundary.

May lakas ng hangin ang bagyo na 65kph at pagbugsong 80kph.

Nakatakda sanang pangalanan na bagyong Karding ito sa oras na pumasok ng PAR.

Sabi pa ng weather bureau, dahil nasa labas ng PAR ay walang direktang epekto ito sa Pilipinas.

Ang nararanasang kalat-kalat na pag-ulan ay epekto pa rin ng hanging habagat partikular na sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas.

Sa ngayon ay wala pang panibagong masamang panahon na namomonitor ang PAGASA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?