123
PAGASA: 5 hanggang 8 bagyo asahan sa Hunyo-Agosto
May 29, 2019 @ 22:01
By

PAGASA: 5 hanggang 8 bagyo asahan sa Hunyo-Agosto

Nasa lima hanggang walong tropical cyclone umano ang inaasahang magpapaulan sa bansa mula Hunyo hanggang Agosto nitong taon.

Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) deputy administrator Flaviana Hilario, papasok ang tag-ulan sa unang bahagi ng Hunyo.

Ang Hulyo at Agosto umano ang itinuturing na “peak rainy months” habang ang Hunyo ay “generally near normal rainfall conditions” sa maraming parte ng bansa maliban sa Apayao, Region I, Cagayan, Tarlac at Zambales.

Samantala, inaasahan umanong magpapatuloy ang El Niño na nagsimula noong Oktubre 2018 ng hanggang Agosto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?